Sakit sa Puso

Sabi nga ni kuya James Ingram there’s no easy way to break somebody’s heart…

Kuya James (indi po si Cooper)

and I’m sure some and most of you knows what I’m talking about.. hindi itu ung literal na sinira mo ung puso or winasak mo (which is really bloody if you will ask me )…

sinaksak nga…

but rather itu ung kapag you need to say the famous lines na I’m sorry and goodbye ….

asking them to move on with their lives without you…

na talagang napakasakit at alam ko yan dahil once in another life time ako naman ung nasabihan nyan…pero whatever the reason is behind a change of mind or rather a change of heart in every relationship there is always the ever famous lines being delivered…

at ito ang nasa top 10 ko…  :) pero FYI the  following are just result of a creative mind any similarities to the living or dead is just a coincidence… (wheeehhh!)

top 10

10. Dating you is killing who I am… – gaano ka ba katagal mamatay aber!?

9. We are just too different to have a future together… – dahil ba tao ako at hayop ka???!!!

8. Look, we had fun while it lasted. It’s over now… – ano ako videokarera??? ay sosyal nga pala.. ano ako PS3???!!! Laro?!

7. I think we both rushed into this relationship so fast but forgot to get to know each other. We should have taken our time. You can’t fall in love in two months … – I did send you my CV prior to our first EB… db???!!!

6.I’m inlove with her / him… –  wheeehh di nga??

5. We have drifted apart… – bangka ka ba para mag drift sa ilog??!!

4. It’s no longer working for us… – resign mode? 

3. We are too similar to stay together… I think we would be better off as friends… – pero ok ung friends with benefits?

2.  It’s not you. It’s me. I’m sorry but we are just not meant to be… – uu na nga tao ako hayop ka naiintindihan ko na… :P

The Number 1 Spot goes to:

I really like you, you’re a great guy/girl and we had great fun… you’re just not a long time prospect…
– itu talaga bonggang bongga! kung di ka ba naman talaga mapa “NR” (no reaction mode) at matulala ewan ko  na lang  :P

But despite and inspite of the pain and hate minsan kailangan mo na lang din tanggapin… dahil kung ikukulong mo ang sarili mo sa  sakit at galit… e goodluck sayo… sabi nga nila you need to move on (umusog ka daw! :))… hindi ko din naman sinasabi na ganun kadali magmove on.. na kasing dali lang ito ng pag lilipat ng bahay (teka mahirap pa din un ah)… pero kung gusto mong may simulan kailangan mong gawin ang unang paghakbang at wag kang titigil dun kailangan mong lakarin hanggang sa makarating ka sa dulo… at eventually paglingon mo mangingiti ka na lang sa napagdaanan mo (just make sure pag nag smile smile ka e walang makakakita syo baka pagkamalan kang baliw)… sa journey mo sa pag move on then you’ll tell yourself what took me so long to be able to get to this point…

and then you will realize acceptance of the truth and forgiveness is two of the biggest factors… dahil kung hindi mo tatanggapin ang desisyon ng partner mo ( I mean ex-partner) at hindi mo xa matututunang patawarin sa pagtalikod sayo (irregardless of the reason) I doubt na may patutunguhan ka… alam ko sasabihin nyo “uu easier said than done…” (with matching taas ng kilay..hehehe) well at the start sabi ko nga hindi madaling gawin ang mga ganitong bagay (kulit ah… :)) pero kailangan mong gawin kung gusto mong maiahon ang sarili mo sa sitwasyon at sa paulit ulit na pag seself pity dahil iniwan ka…  at feeling mo inapi ka tinapak tapakan ang iyong feelings,pride, karapatang pantao at kung anu pang pede matapakan (uu pati paa na may ingrown ouucchh! )… well anu veh you can spend eternity doing that and end up with nothing but a wounded heart and soul or you can choose to fight back (ndi ko cnabing makipag away ka no!) by moving forward and showing to that person who had made tapak tapak of you na mali xa ng iniwan ka nya and that he / she should regret ever leaving someone like you. Now that is some awesome revenge pag nakita ka nya at un ang maisip nya db. So sabi nga ni ate Julia Roberts sa kanyang step daughter sa pelikulang step mom ( na sinundan ng step up :P ) you have two options; sit and cry or do something about it… In the end naman nasayo pa rin naman ang desisyon kahit anung Pep talk, payo, counseling at pray over ng mga tao sa paligid mo ikaw pa din ang magdedecide kung magmumukmok ka lang or you will move on with your life and be happy eventually… So un lang naman… :)

If someone you love hurts you cry a river, but while doing so build a bridge to get over it. ;)

November 2, 2012 at 11:40p Leave a comment

Pasilip naman :)

I have been away for too long.. ndi naman sa umalis ako at nagpunta sa kung saan saan…. i just simply have too much stuff going on :) which would include my upcoming wedding :) I know I  should be putting this on a wedding blog or a wedsite that they call now a days but I thought bakit kailangan ko pa lumayo  diba?! Nobodysgurl will always be nobodysgurl :) magkakaron na nga lang xa ng nobodysboi nya and soon enough nobodysbaby hehehe… kakaloka!


Love is a flower which turns into fruit at marriage.  ~Finnish Proverb

March 29, 2012 at 11:40p 2 comments

June at ang Birthday Blues

 

Buwan ng Hunyo nanaman..

When I was younger  I would always wait for this time of the year (pangalawa lang ang pasko sa kanya) kasi this month would mean malapit na akong paghandaan ng pamilya ko..(it’s a “ME” day sabi nga nila)…

 

But lately when I started to take the 20 something course parang bigla akong natakot…

 (ok fine may mga magrereact dyn “buti ka nga nasa 20’s pa e panu naman kami na nasa 30’s na”.. .

Well that will be a whole different matter na no! ako ang bida ngayon eh :) ) back to original programming… un nga… parang suddenly ayaw ko ng dumadaan ang birthday ko (kasi ako na ang gumagastos sa  paghahanda ng pritong tuyo! hehehe )

Aside from that I realized that I was afraid of getting old… parang di ko yata keri dumating sa panahon that I won’t be able to take care for myself.. na darating ang time kailangan ko na ng mag aalaga sa akin na ultimo pag gamit ng banyo (pagpindot ng remote or pagchachat ung mga gnun) e kakailanganin ko na ng kasama at tulong (ok I have exaggerated imagination but hey it happens right)… plus my being vain kicking in… what’s with the saggy things you’ll end up with in old age… :)

But while I’m lavishing myself with all these, I suddenly realize bakit nga ba ako matatakot sa pag edad.. Maybe what I should be afraid is ang pagtanda ng walang pinagkakatandaan (yan ang mas nakakatakot)… nadumating ka na sa certain age pero ang pag iisip mo is still like 10 yrs back.. na ndi ka nag grow .. wala kang natutunan sa buhay.. na wala ka pa ding sariling pananaw at pag iisip… na sa panahon ng dapit hapon (huwaw!) ng buhay mo saka ka pa lang mag ninilay nilay kung anu na naging buhay mo at ang masakit dun marerealize na mali lahat ng dinaanan mong kalye.. (kasi puro shortcut ka e , tuloy naligaw ka na ng di oras).

 Sabi nga nila minsan hindi naman masama maging masaya pero katulad ng lahat ng bagay pag sumosobra nagiging masama… anything in excess is very and I mean very bad for you kahit anung sarap pa nyan…(hehehe) :) … 

Maybe the reason I’m even writing this is to somehow explain to the not so rational part of myself that aging is fine (panget kasi ng term anu beh!!!) that growing old isn’t always bad na sa pag cecelebrate ng birthday mo it only shows na nagkaron ka ng progress.. (ndi yan ung gatas ng baby ha…).  Hindi ko naman sinasabi na kailangan maging super succesful para masabing nag karon ka ng progress…(ndi nga cnabi gatas!) it can be in the smallest ways like kung before e ung nanay at tatay mo pa ang naghahanda sa iyong selebrasyon aba e ngayon nkakapag organize ka na ng bonggang birthday party mo sa Burj Khalifa!!!(invite mo naman ako…)

Nacecelebrate mo na xa in the way you want to…not in the way others would want to (hindi ka na maiinis na naimbita ung batang kaaway mo sa piko kasi close ang mga mudra nyo).. hindi ka na din maiinis na pakbet nanaman ang handa sa birthday mo kasi sabi ng Mudra mo masustansya daw dapat kahit pa birthday mo (kakaloka!).

 See may maganda din namang nadudulot db… So there at least those made me breathe easier… (sabi ko naman sayo it’s a “ME” day e!) And since napaliwanagan ko na ang sarili ko… I will stop here… :)

Sa lahat ng June birthday celebrants… Happy Birthday sa atin… :)

June 30, 2010 at 11:40p Leave a comment

lumang bago

courtesy ni ate POPS… Merry Christmas Pips..  Babala… wala po kinalaman ang kantong ito sa Pasko: :)

December 28, 2009 at 11:40p Leave a comment

Friday the Trese

lab u!!! whaahh!
“Ingat!” Parang commercial lang ni Papa John Llyod sa Biogesic…

pero pag mga ganitong petsa at araw naku doble doble at triple triple pa ang pag aalala at pag iingat natin dahil daw sa kamalasang dala ng araw na ito…

questionmark itu

Pero totoo ba tlga na malas at mapanganib ang Friday the 13th sa buhay ng sangkatauhan…(aba e tatawagin ko na ang Bioman now na o kaya si Shaider at Annie na lang!)…

shaider annie

Ang Friday the 13th ba e conspiracy na pakana ni Puma Leyar o ng Neo Empire?!

bioman sila!

Hmmmm…. Ito ba ang dahilan at nadulas ako sa bathtub namin at ngayon e pede na ko makipag compete sa dalmatian sa dami ng spots sa katawan (bruises!)… o dahil lang ito sa sobrang antok at nagtry ako maligo ng nakapikit kaya ako nadulas?…(harharhar)…

harharhar

 So un nga dahil sa mga ganitong pangyayari naisipan kong tumingin tingin kung anu ano ba ang dahilan that led them to believe it’s a badluck…

 Sabi nila it all started back even before Christ time but it was in the early 1800 kung san nakita ang biography ni Mang Gioachino Rossini na kauna unahang natala na takot sa Friday the 13th…

Excerpts: [Rossini] was surrounded to the last by admiring and affectionate friends; and if it be true that, like so many other Italians, he regarded Friday as an unlucky day, and thirteen as an unlucky number, it is remarkable that on Friday, the 13th of November, he died.

 That may be a “legal theory” since it’s being claimed na ito ang first written evidence of the said belief… But going further back himayin muna natin ha..(parang manok sa chicken macaroni! :)

para sa chicken macaroni...

Unahin natin ung number… bakit nga 13th pede naman 15th, 30th or 31st na lang para every sweldo wala ng gagala…

Well ayun sa aking bubwit (hehehe) … In numerology ang 12 kasi e symbol ng completeness and equilibrium (sounds like aquarium!) kaya nga dw there is 12 months in a year, 12 zodiac signs, 12 tribes of Israel (biblically speaking), 12 apostles ni Kuya, 12 gods of Olympus pati na din ung 12 days of Christmas na kanta isama na din natin! And so it made number 13 an irregular. Transgressing the completeness of number 12 (so naging judgemental sila at inapi xa…) there is also a belief derived from the Last Supper that if 13 people is to share and be seated in a table it will result in the death of one of the diners… (yan cge kain pa…!)

Now lets go to the day… Friday…

They say it was a Friday when Christ was crucified, when Eve offered the apple to Adam in the Garden of Eden (kalain mo alam nila on which day it fell!) it is also the day of the beginning of the Great Flood and as well as when the Tower of Babel was stricken with confusion. (hmmm… ok…). in mythology naman sabi nila Friday was derived from the goddess of love and fertility si Ms. Frigga na after daw maconvert sa Christianity ng mga Germanic tribe at ng ibang Norse gods she was banished and was named a witch (ndi ko din alam bakit nila kinawawa si ate Frigga e..) and it was believed that she used to meet up weekly with eleven other witches plus a devil (so 13 nanaman ulit un) to plot evil things for each and every coming weeks…

 And so they say these are some of the reasons that Friday the 13th came to be… But did you know that these have been taken so seriously by some…

Here are some examples..

* ung mga building natin walang 13th floor (malas dw).

* Sa Scotland, walang gate 13 sa airport, instead there is a gate 12B.

* Sa mga motor sports katulad ng Formula one walang no. 13.

* The Code of Hammurabi, a collection of laws created ca. 1760 BC, does not contain a thirteenth law.

* 13 din ang nagpabagsak kay Gates after 13 years of being the richest man in the world, Microsoft Corporation chairman Bill Gates lost this title, according to Forbes magazine’s 2008 list of the world’s billionaires.

* If you get wounded on a Black Friday may lalabas daw na train or bituka sa sugat…(kamusta ka naman!)

amp!

And to top it all may mga tao na may phobia sa Friday the 13th ang tawag sa kanila ay paraskavedekatriaphobia or paraskevidekatriaphobia ito ay isang form ng triskaidekaphobia na ibig sabihin ay takot sa numero 13… (but I do understand them kaw ba naman kelangan mo to ibigkas every Friday the 13th kahit ako gugustuhin ko na magkaphobia para lang makaiwas… :) 

"hindi rin cguro"

Kaya sa susunod na Friday the Trese… konting dagdag ingat ha…  :)

fuuma

And yes may conspiracy nga na nagaganap at take note nagsanib pwersa pa ang Neo empire at si Puma Leyar (Taray!)… kaya nga definitely kelangan natin ang extra ingat!

Friday the 13th

November 11, 2009 at 11:40p 6 comments

Paramdam… :)

ang orasan ni ate!

ang orasan ni ate!

9:06 am shit !!!! late nanaman ako.. di ko na nagawang tumawag sa amo ko…patay….

 alak pa!!!!

alak pa!!!!

(baka naman kasi gumimik,napuyat at naglasing  kgabi!)…  sadly hindi…

maaga pa nga akong gumising para sa lage kong late na carlift at exactly 8am nakabihis na ako promptly awaiting him kaso dumating xa ng 8:45 am (taray!!!!) parang gusto ko xa ilusot sa tambutso ng kotse nya… at sa tagal ng pag aantay ko nkaubos na din ata ako ng load enough para makapag taxi na ako sa aking destinasyon… ganito ang madalas na eksena ko sa umaga…  like about 4 times yan out of  6 days  ng pasok ko…. kakaloka di ba… sabihin mo bakit di ako mag hanap ng ibang mag seservice sa akin? (panget pakinggan?! :))

isa lang sagot ko dyan… apparently hindi ako Chowking na madaming choices kaya eto stuck ako sa kanila kung magcocomute ako mas mahirap at mas mahal…

kala mo tapos na ang tele serye churva ko sa umaga hindi pa pagdating ko sa opisina.. dahil 9am ang shift ko at nakarating ako ng 9:06 (kailangan inunciate mo ung O part… :)) xmpre late ako..pagbukas mo pa lang ng email mo may tardiness note ka na kagad asking for you to explain… at xmpre kahit gustong gusto ko ng isalaysay sa kanya ng blow by blow sequence ang nangyari xmpre ndi pede..

mentally ill

kasi isang policy that I learned here sa ibang bansa.. walang bait bait.. (mga cra ulo…harharhar).. they won’t be giving you any leniency dahil hindi nila problema ang carlift ko.. kundi problema ko..(uu ako ako lage na lang ako)…

whaaahhh

whaaahhh

You must be wondering what I had been up to lately at ndi nyo ko maxiadong nakikita (as if naman may naghanap… ) well super as in super busy sa trabaho at extra curiculars..

 busybusihan

dati akala ko pasosyal na excuse lang ang pagsasabi na “ ei! I’m super busy sa work now e…” ung mga gnun ba… pero napatunayan ko ngayon na pede pala tlga xa magkatotoo.. (sa mga tropa pips na lage ko cnasabihan nyan pag nag aaya sorry na po… I meant it this time… hehehehe).. 

in this light naisip ko na magtry ng quickie…blog..(anu daw?!)  It wont be as long as a blog post nor too short as a twitter…. ung tamang paramdam lang nakakamiss din kasi ang magsulat…

hay buhay...

hay buhay...

September 21, 2009 at 11:40p 5 comments

Office Opisan

sa araw araw wala akong nakakasalamuha ng mas madalas pa kesa sa mga ka officemate ko.. mas madalas ko pa nga cla nkakasama kesa sa mga ka housemate ko e (kalain mo un!) panu ba naman 6 times a week ang trabaho ko kamusta ka naman… kaya naman minarapat kong ipakilala sila sa inyo…. :)

(payback time!)

unahin natin ang mga nakilala ko at nakasama from the time na nahire ako…

 

bryan bibo

Bryan (ang batang Bibo)

Ito present yan sa final interview ko… aakalain mong matinong tao sa una… (joke!) Pero infairness napaka helpful nyan (nasa job description ata nya)… at napaka kulit… sa kanya ko din natutunan ang tamang pagbati sa mga kababayan nating walang ginawa everytime na tatawag e maghanap ng kabayan… sagutin ba naman ng lolo mo ng “opo kabayan po ako mabuhay tayong mga Pilipino!” as in ganyan na ganyan take note trainer ko xa that time at nag sasample calls kami… :)) mapagmahal yan (kaya nga lage nasasaktan yan e.. hehehe) very generous kasi….

 

 ainee bebe

Ainee (Ainee bebe)

Pag nagcacalls to hindi mo magugulo promise.. kahit cguro tumambling ka ng madaming madami… :) pero infurness sa lola mo naging agent of the month kagad yan.. :) xa lage ang kasakasama ko since pareho kming sa Dubai umuuwe… I feel mostly closer to her than the rest of the girls kasi nga lage kami magkasama… She is like the older sister that (thankfully!) I didnt have (joke lang!)…

 

papa gester

Gester (Papa Gester)

Ndi dahil type ko xa or anything but because he is like a Dad to us… very loving kasi yan as in… xa din ang madalas naming kasama pag may mga okasyon na kelangan ng ka partner kaso nga lang medyo alanganin xa sa amin ni Ainee… nagmumuka xang palaman actually… lately nga lang lage missing in action dahil sa kanyang asthma…lage yan ang option ko for “call a friend” lalo na kung di ko na maintindihan ang gagawin ko sa shipment ng clients namin… yan c Papa Gester

 

game

Game (Gammie bear)

Akala mo laro ndi no.. yan lang tlga pangalan nya…(minsan pede din jollibee o kaya teletubbies!) magulo, makulit, pasaway, masarap magluto – ilan lang sa pede mong gamiting description. Ito ang kabuddy ko sa late night shift namin malamang kung magpang umaga na to hindi na ko mag papang gabi no.. :)

chet

Chet ( tatay the 2nd )

Ex-tl not that he is the first tl I had here but he is the first filipino… :) mahilig sa green apple (or maybe because la na xa choice hehehe).. anime lover to (anime ndi animal anu ba)… may pagka moody pero ayos lang… (cge bukas la na ko trabaho) un lang po.. :)

First five pa lang yan may kasunod pa…. :) (parang sa talent show host lang na linya ah…)

Tingnan muna natin kung may matitira pa kong kaibigan / trabaho pagkatapos nito.. ahehehehe

June 3, 2009 at 11:40p 6 comments

bEd SpAcE 101

higaan

Sa bago kong mundo

Ang option mo lang para sa bahay na matutuluyan ay ang pakikipag share sa isang studio type na bahay as a bedspacer

b34

(swerte ka kung konti lang kayo at malas mo kung umabot kayo ng mahigit sampu (bente pa nga daw sa iba) at iisa ang banyo)

b29

o kung ndi ka naman magiraffe (mahirap o kapos sa pera) kumuha ka ng flat (sosyal!) and live your bachelor/ bachelorette life in there…

Pero kung kagaya kita na range lang ng sapat to kapos best bet na ang bedspacing ngayon lang ako nakapag try na makipag share sa 7 pang ibang kaluluwa na di ko kakilala sa isang bahay na lahat ay common place except sa mismong kama mo (pag un ba naman ay hindi pa ewan ko na lang ha).. medyo mahirap lalo na sa taong nabuhay at nasanay sa maliit na pamilya lang (3 lang kaming magkakapatid plus parents ko na lagi din naman wala saka ung isang aso namin)..

doggi

 

Pero dahil simula pagkabata natutuhan naming magkakapatid (by heart) ang golden rule na “Don’t do unto others what you Don’t want others to do unto you”.. na ang pagkakaron ng konsiderasyon at respeto sa iba ay dapat na maging utmost priority sa mga gagawin at ginagawa mo…kaya ng magstart ako ng buhay ko sa labas ng bahay namin napractice ko xa lalo at napatunayan kong isa itong magandang batayan sa pang araw araw na pamumuhay (hehehe) at ngayon na nasa ibang country code ako napatunayan ko naman na hindi talaga lahat ng tao ay naturuan nito…

 b3

At dahil dito I’m willingly offering my services as a Bedspacer Life Coach (huwat?!) imbento ko lang bakit?!….

 

Bedspacer  101

v    First and foremost upon moving to your new crib (taray!) wag mo kalimutang kunin ang mga contact nos. ng mga kasama mo for emergency cases (like kapag kailangan mo tanungin address nyo kasi nawawala ka na or naiwan mo susi mo ung mga ganung stuff ba… :) )

v    Do not use housemates’ things like umbrella without permission ( ginamit ung payong ko ayun ako ang nasunog sa araw.. badtrip db..!) automatic namn na un db… kung hindi syo wag mo gamitin kung gusto mo gamitin mag paalam po tayo..

v    If you use anything e.g plantsa, kabayo, lamesa, aparador ung mga ganun ba.. make sure naman that after use e ibalik natin sa pinagkunan… in short iligpit natin.

b8

v    Do shall not eat their food. Obkurs naman no… imagine Pagod + Gutom + Nawawala ung dapat e ididinner = Super Badtrip!!!

b5

v    Do not take too long in using common house places esp the bathroom… please naman… hindi lang ikaw ang may mundane human needs na maligo, magkuskos, at magbawas… ng libag sa katawan… :)

b6

 v    If not needed turn the lights off hindi lang ikaw ang tao sa kwarto at may mga tao na hindi nakakatulog pag bukas ang ilaw… (parang ako un ah..) Kaya kung makikipagtxt ka lang habang nag aantay dalawin ng antok sa madaling araw please paki patay na ang ilaw at ng makatulong ka din sa environment conservation.

b9

 v    Keep the noise DOWN (noisy people will be hanged to death!) ito… ito cguro ang pinaka mahirap sundin para sa isang kasama ko sa haus. Di ko din maintindihan kung bakit bawat kilos nya e talagang may dalang ingay. And if you’ll watch T.V at 12 midnight keep the volume down hindi lahat gusto manuod ng teleserye mo kasi natutulog na cla…

b101

 v    Pag may ipon ng tubig sa banyo ibig sabihin may nag ipon at naka isip na mahirap maubusan ng tubig… so please refill the timba and the drums no!

b11

 

 v    Clean as you go wala kang yaya… ligpitin at hugasan ang mga kinain at kinalatan…

 v    “If you break it you buy it” sabi nga sa Shoemart Dept. Stores. Pag pinahiram ka na nga ni hausmate ng stuff nya tapos clumsy churva ka at nasira mo xmpre naman palitan mo or bayaran man lang.. (magkaron ng hiya..)

b32

 v    Matutong maglinis (sinabi na kanina pa na wala kang yaya e!). Hindi lang ung pinag kainan mo… cguro hindi mo naman ikamamatay ang pagwawalis paminsan minsan kahit atleast once lang every other month!(hehehe!)

 v    Kung may sama ng loob o hinanakit sa kasama mo sa bahay wag mo idaan sa text kausapin ng personal (alalahanin may mga taong tanga sa pag intindi sa text). It’s either masamain nila or deadmahin tapos ikaw naman ang sasakit ang loob. (which do you prefer?!)

b41

 

           I can like go on for hours over this list of do’s and dont’s (at xmpre mapapagod ako nun dahil sa sobrang dami ng mga bagay na naooverlook na lang natin at ng ating mga hausmates).

Basta tandaan lang sana natin ang pinaka importanteng rule sa larong to… bawal ang alpombra, ramboo slippers at ung islander na makapal sa tumbang preso! (harharhar!) anu ba xmpre bawal talaga un sa tumbang preso pero ang golden rule dito sa bedspacing 101 eh “don’t do unto others  what you don’t want others to do unto you”…(haba!).. :)

 

April 16, 2009 at 11:40p 10 comments

Soulmates

Anu nga ba ang soulmate?

 s7

Madaming definition akong narinig…

s9 

Madami din akong nakilala at nagclaim sa akin “hey I finally found my soulmate!” 

s11

Meron din namang “soulmate ka dyan…!?”

 s12

Lahat ba tayo may soulmate?

Some  say yes…

 anime-mirrored-girl

That every soul upon being brought to earth has a partner…though it does not mean it was given a body the same time you were…

s1

So ang siste para daw tong hide and seek paghihiwalayin kayo and then the catch is kelangan makita nyo ang isat isa bago mag times up…

s13

Pag hindi nyo nahanap ang isa’t isa… or

When either one of you dies game over na …

s141

Pero may restart naman… Thats  when you will be reincarnated and in that new lifetime you will search for your other half all over again (saya no!).

s21

Only.. and only when you find that other half will you be at peace and find that sense of completeness…

Eventually ending the cycle of your reincarnating…

(kapagod naman…)

 s15

If thats the case how do we know if we found it…

They say we just feel it… like a sudden moment of enlightenment…(hanu dw?!)

 s20

Some say it’s a person that compliments your whole being…

A person you are so compatible with…

Another soul that seems to ba a missing part of yours

And vice versa… (huwaw!)

s22 

 

Soulmate daw is that one person you will find in your life time that is meant for you… they say finding this person would make you realize how the world is really meant to be…

Full of happiness and eternity of blissfulness…

 

Big words isn’t it… s23

 

I’m no pessimist…

 

I sometimes think I’m the most gullible person this side of the planet… (wag ng itanong kung anu ang gullible.. nosebleed na ko! matutong magdiksyunaryo… :) )

 s24

Kaya nga din cguro ndi ako marunong tumawad sa Divisoria at sa palengke.. kasi pagnagdrama na si Manang / Manong na matumal at walang benta…

wala na…

surrender na…

 

But then again madami pa din xmpreng mga kontrabida… (hehehe.. joke!)

Hindi naman talaga kontrabida (that’s not fair) rather they are those that believes everything needs to have a valid (na…) logical (pa!) sometimes even scientific explanations… (pede din may mathematical equation much better!)

 s271

Buti na lang at ang pagiging gullible sometimes have it’s ups ndi lang puro downs…

 

It teaches you to have faith…

 s29

I always have faith even in things that I don’t see and feel… because that is the definition of faith… acceptance of which we imagine to be true, that we cannot prove… (arte!)

 s32

And maybe you’re all thinking “ah maybe she had found her soulmate”

Sadly I haven’t figured that yet…

 

Maybe I do… maybe I had…. or maybe I will

Luckily Faith comes with it’s ever loyal companion Trust and Hope…

a3

April 3, 2009 at 11:40p 10 comments

Commercial muna! part 2

 

Another boring day at the Office…

100

 

Suddenly tumawag si Ateng Pinay…

si ateng pinay

 

After ng 48 yrs matatapos na ang aming conversation at ibibigay ko na lang ang Powerful na Reference no. ng aming naging transaksyon…

oni1

 

Ako: “Ms. Ateng Pinay your Reference no. will be 614 “C” like charlie and then… ”

talsik laway

Ateng Pinay: “wet wet wat again? C like…” (saglit lang daw, pinapaulit sa akin)

anu

Ako: ” C like Charlie mam’ or like Camel (mas madali nya cgurado maiintindihan!) ”

16

Ateng Pinay: ” Ha?!  P   like Camel?!”

heh

ANU DAW?!

argh

Ako: beep beep beep….. (nose bleed!)

ahihi

March 24, 2009 at 11:40p 8 comments

how i Wish….

wish

Don’t you sometimes just do….   :)

March 20, 2009 at 11:40p Leave a comment

daming galit nito…

1

Galit ako sa taong bobo.. lalo na ung mga nagmamarunong pa sa kapwa nya kahit na talagang wala syang alam sa sinasabi at ginagawa nya..

201

 

Galit ako sa taong bobo kasi minsan mas maingay pa sila sa mga taong talagang may alam.. sabi nga malalaman mong mababaw ang ilog kung ito ay maingay.

22

 

Galit ako sa taong bobo at sinisisi ang kahirapan at paligid nya sa pagiging mangmang nya dahil maraming paraan para matuto…

2 

Galit ako sa taong bobo dahil tinanggap na lang nya na hanggang doon na lang xa.

 3

Galit ako sa taong bobo.. lalo na at iniexpect nila na may extra special (extra na special pa..ambitious!) treatment sila dahil bobo daw sila….

 4

Galit ako sa taong bobo kasi wala naman talagang taong bobo meron lang mga taong hindi nag iisip at mas pinipili na lang na maging walang alam sa mga bagay bagay..

8

Hay… Un lang… :)

9

March 1, 2009 at 11:40p 6 comments

twilighty

  

I just want to rave that’s all…

twi

 

I know,

I know, 

I know it’s a fad!

huh

 But then again if you did have this weird inclination and fascination for the bloodsuckers as I do then you’d understand… 

 vampy1

 (Whatever! :) )

Kasi naman if you were able to read the book itself 

direk1

(please…we all know movie version more or less always sucks and never really justifies the book story itself)..

The world created by Stephanie Meyer was fantastic… almost realistic (you’d end up looking up for Forks Washington!)

forks

 The last vamp book that I read was with Anne Rice we all know that hers is of course a different story (but still very good)…

anne

But going back to Twilight (the books) … although there’s a lot of the mushy lines (as a friend of mine had pointed out…) I don’t really think it offset the whole story though but rather complimented it since some of the characters themselves are like centuries old

ancient

 (for crying out loud would you appreciate them saying “what’s up dude” or something… :) )

Anyways the acknowledgement of the possibilities in the story is just an irresistible plot..

crit

I’m no book critic of any sort but it just struck me that the book was actually good and maybe that’s one reason it’s getting the attention it is enjoying now…

kit

 I won’t be talking or telling you guys the story or any summary , preview, whatever because I would recommend you reading it yourself…

geek

And in any case you’re  just like me who sneaks around the office (the whole day!) reading vampire books in the computer.. then it’s your lucky day! :)

 (yeah I’m just bragging that I have e-books! hehehehe)

So un nga if you guys like I can send it to you just give me the e-add xmpre  :) …. un lang!

buk

February 23, 2009 at 11:40p 4 comments

paalaman

 

 

 

 

sad-swinger

It took just 2 days for me to confirm the strength of my new found comfort…it sucks

non-sense1

 

To know something that you thought would last just suddenly crumbles down

jazed-heart-broken

 

And to know the reason behind it is more or less a lot of non sense that no one could even start to comprehend… (yaan nyo na kong magdrama ha…)

 

1 

 They say it is hard to establish certain kinds of relationships (and I agree) 

awkward

 

 But it’s way (really way) harder to end it.

 

apart

 

At some point you are not left with any option and that’s the saddest part…

regret

 

Attachment is one of my biggest  problems I get attached easily to people around me and so the emotional drawback of it is felt a thousand folds…

hapi-bf

 

 I’m not going to say sorry because until now I know what I did is not (entirely) wrong…

 

I’m not patronizing anyone or is trying to gain anything by this

 

 

bitchy-angel

 

and I hope you guys know that… but sadly I know as well (proven by the recent events…) that you don’t know me at all that well and I’m being undermined by simple illogical gestures (well as per me that’s how I see it…)

 

 

mending-cookie

 

In spite and despite of it all I will always treasure the happy times that we’ve all shared…

 

hapi-group1

 

and maybe in the future we will find ourselves bonded again (may be in different ways…)  

 

hands

 

One thing I’ve learned in life people gets to forgive and be forgiven regardless of reason or faults but though things will be different…

 

crack

 

Because a cracked glass can never be seen whole again…(and that applies to almost everything…)

 

 

ty

 

I was and I am grateful sa lahat ng naitulong nyo sa akin and maybe isa din un sa rason kung bakit aalis  ako baka sakali makatulong ang pag alis… ayokong ma replay pa ung nangyari dati sa inyo (alam na natin un) kasi maxiadong mahaba at nakakapagod na proseso ung mga ganung sitwasyon.

 

 

Please know that I’m moving on NOT because I’m full of pride or hate it’s just that I’m not sure if staying is even an option now… (I want that to be clear…)

 

mending-ginger-bread-man

 

You would understand if I say I’m hurt though I’m not going to assume na ako lang I’m sure you have your own sentiments which I will not dwell in anymore…

 

So there… 

rabbit2

 

 

Goodluck and God bless.

 

 

angel

 

 

February 18, 2009 at 11:40p 4 comments

youtube

Katch asked me to watch this …. It’s a bit long but it’s worth your time…

What if it happens to you…

The ending is just too much for me..

November 11, 2008 at 11:40p 4 comments

Good Morning sa Taxi stand

As like every working morning we (Gester, Ainee, and I) were waiting in line for a taxi.

TAXI

When it came our turn biglang may mamang nanguna sa pila at inagawan kami ng sasakyan… before nya mabukasan ang pinto nasabi ko.. “kuya may pila dito!” aba at sumagot naman po xa.. sabi nya “wala namang pila dyan, sinu ba nagsabing may pila dyan” sabay andar ng taxi..

So I was left there angry, really angry, super angry..(wag ka minsan may super duper angry pa yan at please lang wag mo na antaying mag mega angry pa ako at iba na yon! ) ay grabe ang aga aga pasaway ni kuya!

ANGRY GURL

The nerve! (madami xa nun kasi muka xa puno ng balite sa dami ng ugat!). Sabi nalang sa akin ng mga kasama ko hayaan ko na lang daw at baka late na sa work or something…

tree

I just tried to smile (baka sabihin naman napaka warfreak ko..) pero deep inside nag-iinit talaga ako… (sori kung anu man ung naisip mo indi yun un.. wag na tumanggi..) dahil ang totoo kumukulo ang dugo ko sa sobrang imbiyerna!!!

To think kabayan pa naman xa…hay wala talagang disiplina at respeto ang ilan sa atin… kung tutuusin napakababaw na bagay nun (taxi lang..) papakilala ka ng pagkatao mo..

Cguro what really made me furious is the fact that I was not prepared to be treated that way ng isang kababayan ko… ( I mean I did knew stories na may mga bad na kabayan pero I wasn’t ready to experience it yet..)

away itu

I felt so harassed kasi nga hindi ako naging prepared na ipagtanggol ang sarili ko at karapatan ko sa taxi (uu meron nun..) kung ibang lahi cguro malamang nakipag away ako (keri lang!) pero malabong mangyari ung ganung eksena kasi ilag sila sa mga babae lalo na sa pakikipag agawan dahil alam nila pede sila mareklamo sa mga pulis pangkalawakan

pulis

Ngayon medyo kalmado na ako dahil nakapagkape na ako sa opisina… Sana lang wag na muli magtagpo ang landas namin sa City Center taxi stand dahil pag nangyari un dadanak na talaga ang dugo..(magnonosebleed xa sa pagtalak ko…hehehe) para na rin sa kaligtasan naming pareho..grrrr…

kape

November 8, 2008 at 11:40p 5 comments

sIdEbar

New look… refreshing db..

refreshments

Nung isang araw lang napalitan at medyo nagkaron ng direksyon itong pwesto ko sa wordpress

wlogo

Kasi medyo lito pa ako sa mga CSS customization, sa mga tags, pings, widgets at kung anu ano pa…

confused

Pero dahil sa tulong ng isang mabait na kaibigan (xa din po ang nag impluwensya sa akin na magkaganito.. :lol: )  e inayos namin  ang aking blog site…  pinalitan ng themes, nagkasundo sa header picture na ilalagay, nagpaliwanagan ng kung anu ano ba ang ping at mga widgets at kung panu gamitin. pagkatapos ng mga 48 years :lol: ito na ang kinalabasan..

blogsite

Madami pa ang kulang (wha do you expect ilang oras lang naman kami dahil may pasok pa kami bukas no!).but atleast naliwanagan na ako sa mga bagay bagay.. at kakayanin ko na ang hamong ito na hatid ng pagpapaganda ng site..(anu daw?!).

Sa magiting kong kaibigan at kachikahan na kahit sa gitna ng pagsusulat ng kanyang ika-isandaang post ay nagawa pa din akong tulungan sa aking suliranin..(ayaw paistorbo nyan pagnagsusulat..kahit naman ako no!)..   writer

Maraming salamat aling baby… sa restday natin session ulit tayo ha… papabook na ako ng reservation sa laptop ni kuya Jun (fyi wala pa kasi akong laptop o computer kaya nakikihiram lang po ang inyong lingkod)… hay makakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas may laman na ang sidebar ko… hehehe

November 6, 2008 at 11:40p 1 comment

Commercial Lang!

“WE WILL HAND IT TO YOU BY HAND!”

Kung marinig mo to sa katabi mong agent habang kinakausap ang customer nya anu gagawin mo?!

A. tatawa hanggang maihe?!

B. tatanungin si agent “what did you say?”

C. dededmahin dahil may call ka?!

Obey your thirst!

Magpakatotoo ka!

Take note of it, then blog it!

Atleast madami na kayong tatawa sa kanya!…

October 31, 2008 at 11:40p 3 comments

A Whole New World Itu….

Recently I joined a contact center here in Dubai… It was like a song in Aladdin.. tamang a whole new world ang soundtrack ko.

Kasi everything na natutuhan ko sa callcenter itinapon ko… as in everything… Nakakatawa kasi mahigit apat na taon na ako s industriyang (uu showbiz na itu!) bumuhay sa pag-asa ng maraming tao dahil nakakapagbigay sila ng stable job kahit wala kang hawak na ginintuang degree course diploma…

Hindi sa sinasabi kong ok na walang diploma o sa hindi ito kailangan pero kailangan bang mahirapan pa ang mga taong ng dahil sa hirap ng buhay ay di na nakakuha ng diploma nila?!

Taliwas sa iba para sa akin ang kakayanan at talino ng tao ay kelan man ndi pede masukat sa kapirasong papel na nag sasabing nakapagbayad ka at nakatagal ng apat na taon o mahigit pa sa loob ng isang college school..(malamang alangan naman sa grade school mo makuha un?!) hindi din ito ang dapat magdikta who gets the better jobs and who does not… it is just so unfair…

dahil kadalasan mas mahusay pa ang mga walang hawak na diploma kesa sa mga meron.. nagkakataon lang ata talaga na may panustos sila…

Buti na lang at may nakapagstart ng callcenter sa Pinas dahil nabawasan ang mga walang trabaho… Hindi din sila mahigpit sa edad hanggat kaya mong magtype, magpanggabi and you can understand and speak the language fluently tpos dagdagan ng konting kabibuhan pasok ka na… take note may iba one day process lang pag apply….

Balik tayo sa akin (hehehe)… So un nga ang natira lang sa natutunan ko is the very basic which is to assist the customer and iresolve ang issue nila pero ung mga extra guidelines and courtesy on how to do the basics wala na … nabura na… in some instances pa nga pede ka magtagalog ng walang iniisip na memo galing sa QA or supervisor… At dahil nga wala maxiadong guidelines konti lang din ang pede mong maging “dings” sa QA mo… ayos sarap buhay… pero eto lang ang magiging challenge mo in every call kelangan mong gumamit ng powerful na broken english o ung tinatawag nating english carabao… haller!… ako ngayon ang nagnonosebleed… kaloka…

pero sabi nga nung senior agent na kabuddy ko… sanayan lang daw yan… kung sa Pinas binabayaran ka sa flawless english grammar at accent mo… dito kabaligtaran… pero take note sa interview kelangan bibo ka pa din sa pag eenglish un pala pagdating sa actual job useless… kaya panalangin ko lang pagnatapos ko na kontrata ko dito hindi ko makasanayan ng husto ang kanilang broken english para na rin sa ikabubuti ng pag-iisip at kalusugan ko ng hindi ako magnosebleed pagbalik ng Pinas… Amen…

October 31, 2008 at 11:40p 3 comments

Dahil sa Kape

Habang nagkakape sa training room, naisip ko na ang mundo nga pala ay bilog; na sa buhay ang permanente lamang ay pagbabago…

At sa mundo at buhay na sinasabi ko we are given just one chance..isa lang as in once ka lang dadaan sa pagkabata pagiging teenager pagiging 25 and single menopause (kung babae ka lang xmpre no!) at eventually old age..(pagtanda!) lahat yan once mo lang dadaanan sa mundong bilog at buhay na pagbabago alng ang permanente…

Nakakalungkot pa ring isipin na sa kabila nito marami pa ring pumipili na sayangin ang pagkakataon nila.. mas pinipili nilang pahirapan pa ang mga sitwasyong mahirap na nga.. tpos syempre sa huli ang pagsisisi at kelangan nila ng masisisi (sigurado un)… sa ganitong eksena na papasok ang mga taong nakapaligid sa kanila… lahat sisisihin sa mga pangit na nangyari at nangyayari sa buhay nila..

Dumaan din naman ako sa ganung panahon na galit ako sa halos lahat ng bagay sa mundo ko but as I matured (anu daw?! ambitious!)

Narealize ko bakit ko nga ba sila sisisihin?! Although nasa magulang ang tungkulin sa halos buong buhay mo dahil sa kanila ang pundasyon ng lahat…

Ang kaibigan, barkada, kapitbahay, jowa (hehehe), alagang aso o pusa at sa bus driver (uu pati si manong kasali) kalahati hanggang 1/4 lang dahil mostly impluwensiya ang nakukuha sa kanila.

But still we find ways na isama sila sa sisi… sa kabila ng lahat di mo maiisip sisihin ang sarili mo kasi feeling mo kaawa awa ka..

(sad!)

Pero kung titingnan at susuriing maige, sa lahat ng mga nangyari at nangyayari ikaw mismo nagdesisyon nyan.. ikaw ang may hawak ng manibela at piniling ibangga sa puno ng kamatis ang minamanehong buhay.

Masakit pa nyan minsan may sakay ka pang ibang buhay na kasabay mo ding magkakanda letse letse…badtrip no…

Hindi ako perpekto may galit din ako sa mga bagay at taong nkapaligid sa akin (actually madami nga e!)..sa mama ko (na pasaway din!), sa tatay ko (na indi ko nakilala), at sa driver ng bus na nang iwan sa akin kanina kaya napilitan akong magtaxi na doble ang bayad kesa kung nakapagbus ako (wala nanaman akong pangmerienda mamayang break o!).

Pero sa lahat ng galit na yan isa na lang iniisip ko (kasi pagod at sawa na ako magalit)..na may fault din ako.. na kaya kami lage nag aaway ng ina ko kasi matigas ulo namin PAREHO..

Na kaya di kami nagkasama ng tatay ko e dahil ako na mismo ang hindi naging interesado para ipagtanung at hanapin pa xa (sabi nga kung ayaw e di wag!).

Na maxiado ako malakas magsounds kapag tanghali kaya nabadtrip sa akin ung kapitbahay namin..

Na kaya ako naiwan ng bus kasi mabagal ako maglakad…

Yan atleast nakakagaan ng loob!

“To be able to justify others actions you have to justify how yours affects theirs…” db?!

So ngayon malamig na yung kape ko kelangan ko na sya palitan..

Kung sana kasing bilis lang ng pagtimpla ng instant coffee ang pagtanggap sa katotohanang kasalanan mo rin ang lahat ng gusot mo…. I think life would be much more like a sweet breeze…

October 27, 2008 at 11:40p 4 comments

kAla kO Si dAiMoS

This is one of those songs that keeps me up all night..

Enjoy… :)

It was written by the brother of the late Karen Carpenter, Richard

(erica! richard! erica! richard! repeat 20 times or more then fade)

ay mali daimos pala ung naisip kong may sumisigaw na erica at richard..

FYI sa mga sobrang bata at sobrang tandang mambabasa ang Daimos ay hindi tatak ng baterya o anu pa man isa siyang cartoon character na halos hawig kay Voltes V kaso nga lang kalahati ng oras ng palabas ay nauubos sa walang kasawaan nilang pagtawag ng pangalan ng isa’t-isa … (moving on).. there were several versions of this song.. the latest if I’m not mistaken is by our very own Claire Dela Fuente (paborito sya ng kakilala kong taong makaluma)… but I like this one by Dusty Springfield.

October 23, 2008 at 11:40p Leave a comment

Nu beh?!

Wala akong maisulat.. everytime I try I end up thinking how tired I am…

October 23, 2008 at 11:40p Leave a comment

Tara Online Tayo…

I read somewhere that relationships are result of a series of game.. so nagkakaron ng relasyon ang isang tao dahil sa kanyang pakikipaglaro?! ndi ba medyo kakaiba un.. pero kung susuriin ntin panu nga ba nating masasabing hindi…

Ngayon usong uso na ang chat, RPG (yan po e role playing games tinanong sa akin dati na di ko nasagot kaya sinearch ko kagad pag uwe ko ng bahay ito ung mga final fantasy series, mu (hindi yan mukang unggoy or ung mutual understanding), flyff ung mga ganyan ba). Habang naglalaro pede ka kausapin ng mga kalaban at kalaro na lahat syempre may code name para exciting..

Ang sumusunod ay mga pangyayaring hango sa tunay na buhay.

Isang gabi sa magkahiwalay na internet shop sa kanto habang naglalaro ng RPG…

pitbull man: may potion akong sobra baka gusto mo.

pusa ako paki mo: yan ba ung nakakapagpadami ng pantirador

pitbull man: uu ito nga un

pusa ako paki mo: cge tenk you ha.. ang bait mo naman.. (mga smiley)..

pitbull man: ako nga pala c junjun .. anu name mo? can I have your cp no.?

pusa ako paki mo: im tina cp ko 0920000000… miss call mo ko ha. (sandamakmak na smiley ulit)

tpos mga after a week or 2 days sila ay magjowa na..

instant may relasyon na..

tama nga ung nabasa ko.

Sa panahon ngayon na napakadali na ng paraan ng komunikasyon nakakalungkot isipin na napakarami pa rin ang salat sa kausap…

sabi nga dun sa pelikulang crash (2004)..

” It’s the sense of touch. In any real city, you walk, you know? You brush past people, people bump into you. In LA, nobody touches you. We’re always behind this metal and glass. I think we miss that touch so much, that we crash into each other, just so we can feel something.” syempre wala tayo sa LA no (wag maxiado ambisyosa)..

But in the same sense I almost always have the feeling that people around us goes in and out of relationships just to feel that sense of touch that let’s us feel intimately regal with another person.

That if you die you know somewhere in your heart na may maghahanap at malulungkot sa pagkamatay mo aside sa pamilya at magulang mo at sa mga naulila mong kuting at kalabaw.. na sa katulad namin nasa malayong bansa e minsan hindi na rin namin ramdam.. and to think that at this age and time na lahat na ay high tech e saka pa ntin nararamdaman to..

Kaya minabuti ko na rin na magkaron ng blog to stay and feel somehow connected..kahit hindi pa ganun kaganda ang mga kwento ko at ang pagkakakwento.. I’m sure di ko naman mauubos ang webpages bago ko maimprove ang gawa ko sa pagkwekwento… at the same time alam kong kahit kapiranggot lang ako s napakalaking cyberspace e may puwang pa din ako dito na pede siksikan… (more…)

October 8, 2008 at 11:40p Leave a comment

ink test…

testing lang po

July 11, 2010 at 11:40p Leave a comment

Older Posts


Salamat Sa PaGdaaN!

'Nothing has turned out as we expected. It never does. Life's under no obligation to give us what we expect. We take what we get and are thankful it's no worse than it is.'

whatcha doin??

Recent Posts

haperdey

Get your own free Blogoversary button!

life…. :)

hay lifeness...

March 2017
M T W T F S S
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Stats

  • 5,061 hits
free counters
'If you just set out to be liked, you would be prepared to compromise on anything at any time, and you would achieve nothing.'

traffic Jam

babala

Protected by Copyscape Originality Checker

%d bloggers like this: